Thursday, October 29, 2009

Mag-kwento Ka

Taong 2008
Unang araw ng pasukan sa pangsekondaryang paaralan sa isang bayan sa Quezon. Si Bab ay kabilang sa mga magsisipagtapos sa taong susunod. Halos karamihan sa mga kabataan ngayon ay nalululong sa bawal na pag-ibig. Tama ka ang isinusulat ko ngayon ay patungkol sa buhay pag-ibig ni Bab. Isang ordinaryong estudyante na umiibig sa kapwa estudyante, si Iya, ang umiibig ng palihim sa kaibigan niyang si Bab. Si LA ang ka-tropa ni Bab na may lihim ding pagtingin. Sa una palang minamahal na talaga ni Bab si Iya, sila na nga talaga dapat, subalit dumadating ang mga panahon na kailangan iwanan ang isa't isa at mag-bigay ng daan sa mga maliliit na tao. Sa mga taong wala naman talagang papel sa buhay nito. Sa mga taong walang gagampanan na papel sa buhay mo. Kay saya nang mga araw na magkasama sila ni Iya, natigil ang mga oras, sa kanila ang mundo walang ibang tao, wala nang ibang mamahalin pa. Isang araw magkasama ang tropa ni LA at ni Bab. Nakita ni LA si Iya, na may kasamang iba. "Bab, si Iya o', may kasamang iba." sabi ni LA. "ah' kilala ko na yan e' kaibigan niya lang naman niya yon e' kaw talaga." sagot naman ni Bab. "weh sure ka?" dagdag ni LA. Tumango lang si Bab. Dahil sila ay pawang mga estudyante pa lamang naman ay natutuon din naman ang isip nila sa mga bagay na may katungkulan sa kanilang akademya. Ngunit si Bab ay hindi, siya ay ...



Ang kwentong ito ay hindi ko na matatapos pa. Nalimutan ko na ang mga dapat kong sasabihin sa likhaing ito. Marahil dapat itigil ko na din naman ang mga sumusunod na pangyayari dahil wala naman itong kinalaman sa buhay ko. Ang mga tauhan sa kwento ay pawang mga kaibigan ko lang sa Silangan, dahil si Bab ang aking minamahal, at ito ay kwento lang ng nakaraan, hindi na marahil ito mahalaga.


Sumasalungat sa sinabi kong hindi na gaano kahalaga ang nakaraan, bakit? paano masasabing hindi mahalaga ang nakaraan kung sa nakaraan nakasalalay ang iyong kasalalukuyan at kinabuksan? na sa bawat pagbabago na magaganap sa nakaraan ay kay laking pagbabago ang magaganap sa kasalukuyan. Subalit paano mo pa nga ba mababago ang nakaraan kung ito ay nakalipas na at mananatili na lamang na isang aral na mag-gagabay sa iyo patungo sa tinatahak mo ngayong daan. hindi na, 'di ba?


Ang mga kwento kung pag-aaralan mong mabuti ay  may iba pang sinasabi higit pa sa ibig nitong ipahiwatig. Na sa bawat linya na nasasambit ng tauhan ay may mga nakatagong lihim na magbubukas ng  iyong isipan sa bagong kabanata ng iyong buhay.


Makapangyarihan ang isang kwento, maari itong bumuhay at maari din itong pumatay. Bumuhay sa mga karakter na pumapaloob sa isang istorya, bumuhay ng isang sitwasyon na iyong napagdaan na at maaari mo pang pagdaanan. Bumuhay ng isip ng tao at  palawakin ito. Maari din itong bumuhay ng alaala, alaalang nais mo ng makalimutan. Bumuhay. At pumatay, pumatay sa paniniwala mo sa isang bagay, pumatay ng ideyang iyong kinalakihan, at maari ring talagang makapatay. Makapatay ng isang taong nasa iyong kwento, at ito ang tinatawag tsismis. Pwede ding bumuhay ng kasinungalinagn na pawang walang katotohanan at pumatay ng isyung matagal ng pinaguusapan. Kwento. Ikaw, ano na ang naikwento mo, nakabuhay ka na ba, o marahil nakapatay ka na.


Sana nakapagkwento ka na, buhayin mo ang isipan mong patuloy na lumalawak kasabay ng mga nakapaligid sayo, at huwag mong patayin ang isip mo sa isang bagay na maari pang magbago. Mag-kwento ka ng ang buhay mo ay patuloy na mabuhay sa mundong akala mong makasarili.

Wednesday, October 21, 2009

Unbalanced Chemical Equation

Making kayo
Kapag nagsalita ka, parang kailangan talagang makinig ang lahat. Eto ang sabi ng isa sa mga kaibigan ko sa akin. Sa una, tunay na nakaka-tuwang pakinggan. Magalaw daw kasi ako, yong bang parang may mga paggalaw pa nang kamay at kita na talaga kung ano nais ipahiwatig. Hindi ko ito maintindihan. Wala akong maintindihan pero nakakatuwa talaga ito.


ANTI-SOCIAL
D: Ako gusto ko pagnakatapos na ako ng pag-aaral, mag-aaral ulit ako, o' kaya, magtratrabaho ako habang nag-aaral. R: alam mo Dani kapag nagmahal ka, at iniwan ka masasaktan ka at mahihirapan kang maka-move on. D: bakit?! R: hindi ka kasi sociable. Puro aral at work nga naman. Ngayon ko lang napatunayan yon, ngayon lang nagkaroon ng matinding rason sa aking mga pinagsasabi nung bata pa ako. Dahil madalas ko nga naman sabihin, I never see myself with someone in the future, aba'y tunay nga at napapansin na nga nakararami. Hindi pala talaga ako sociable.



Adik!

Gusto ka ba talaga ang mga pinagagawa ko? Parang hindi e’ ngayon ko lang naiisip na, nagagawa ko na pala yong mga bagay na hindi ko akalaing nagawa ko na. Adik.



Transparency

Malamang transparent lang talaga ako, at least kilala na nila agad ako sa una palang. Tama naman yon di ba?! Awan ko lang din. Madali akong mabasa, tunay ako e’. mahirap nang maging peke. Ngunit bakit ako nahihirapan?! Ang hirap talagang makihalo sa peke. Ang hirap maging tama sa mga mali. Nakakapahiya.



Pa-bibo?!

Ha?! hindi nga?! Hindi ko ito akalain. Parang nabubuhay ako sa mundo ng papuri at ikakamatay ko ang pangliliit sa akin.



Pengeng piso

Para pala akong isang laruan na hulugan ng piso o token na magbibigay ng kasiyahan sa lahat at ito ang tunay na bubuhay sa akin. Sa kasiyahan nang iba ako mabubuhay. Sa piso nila ako dedepende. Matutuwa ako sa mga salita nila. Ang bawat papuri nila ang magbibigay sa akin ng lakas para mabuhay upang makangiti sila.



HAMBOG

Sa ganitong paraan ako makikilala at mabubuhay. Ganito nabuo si Dani. Ngunit paano?! Para saan?! Ang gulo parang chemical equation e’eh. R: nakikita kong ganyan ka talaga at magaling ka talaga sa ganyan. A: hindi mo ata kilala sarili mo eh’



[092909]

HEADLINES: ang bgong SUPERHERO ng byan CELLPHONE

G: Wer n u? d2 n me?! Akla q b mgk2ta tau ngaun d2 s hrap ng g8. Antgal mu nMn. Blisn mu na, aq’y naiinip na d2 e’ ahrrr… B: w8 lng kg2cng q lng e’ xori nMn. :) G: aba’ blisn mu n huh?! B: opo’ ingat ikw.. G: ikw din.. ΓΌ. Kung nbsa mu ung dyalogo n nbnggit, e marhil nka2intindi k ng tekz, at mlamng ngmmyari k ng CP. Kulng2 man ang mga letra ng mga itinatype q at wla din s dksyunryong tgalog ang mga pnagiimik q, naiintndhn p rn ito ng nkkrmi. Khit ang isang magna, o suma man yan, bsta ikw ay ta0 maiintndhn mu i2ng cnsbe q. normal lng i2, normal lng sa lht ng ta0. Khit presidente kpa ng anu mang bansa, maiintndhn parin ito, spgkat ito n ang pumlit sa universal language ng pilipinas. Gets mu?!

Taong 2004 buwan Hunyo una akong nagkaroon ng isang cellphone, mula sa aking mga magulang, ito’y isang regalo na kailangan ingatan. Noon lang ako nagka-cellphone, sabi nila kailangan ko daw yon para makasabay sa mundong kakagalawan ko na, mundo ng mga kabataan na nahuhumaling sa cellphone. Noon pa man, may ibig sabihin na ito sa akin, isang simbolo ng karangyaan sa buhay. Kapag mayroon ka nito, ka-belong ka sa mundo nila. Isa pang kahulugan sa akin, ito’y isang tawiran ng mensahe ng aking magulang patungo sa akin. Yon! Yun na yun! Nagdudugtong sa malayong relasyon ko sa aking magulang. Noong una akong nakatanggap nito, hindi ko pa alam kung ano ang silbi nito sa buhay ko, at nagbago lamang ito ng makilala ko si load. Tapos lalong nag-init ang samahan naming nong makilala namin si unlimited, ang kaibigan naming dat’y promo lang ng mga istasyon ng cellphone ngayon ay isang regular na sa barkada. Nagulat lang ako at binigyan nila ako ng isang cellphone sa kaarawan ko, kahit hindi ko naman talaga ito hiniling sa kanila, sapagkat alam ko ang limitasyon ko, at marahil talaga wala sa mga isip kong mag-cellphone.

Ano nga ba nga halaga ng cellphone sa buhay iba? Marahil ito’y isang bagay na kukumpleto sa kanilang pang araw-araw na buhay, ngunit para saan? Ito ba ay parang hangin na ikamamatay kapag hindi nakapindot sa mga keypad nito? O siguro ay isang taong kukumpleto sa mundo nila. Marahil sa mga panahon ngayon ang cellphone ay essential na bagay na kailangan talaga, mapa-trabaho man yan o pang-meet lang sa ibang tao, nagsisilbi pa rin itong tawiran ng mga mensahe. Ito ang nagbibigay ng daan sa mga taong hindi nagkakaintindihan. Sa mga oras na ito ako’y nakikipag-usap sa mga kaibigan ko gamit ang YM, para ding cellphone ngunit mas mabilis ang reply. Dahil wala na din naman akong maisulat, nagtanung ako sa kanila. Halos karamihan sa kanila ang sagot ay para sa komunikasyon, yong iba para sa soundtrip. Yong iba konneksyon daw sa mga kaibigan, iba tinatamad na daw gumamit ng cellphone ang halaga nalang nito sa kanila ay pantawag. Kung susumahin para sa emergency talaga ito, may sumagot din na dahil sa uso lng ito, kaya gumagamit sila nito.

Para sa akin ng cellphone ay isang superhero na laging nandyan in case of emergency. Di ba nga break glass in case of emergency, dito break the alkansya in case na walang pang-load. Parang isang Spiderman na laging nakabitin sa leeg ng mga tao. Isang Batman, umiilaw sa gabi kapag may natawag o nagtetext. Isang Superman na made of steel. Para na nga namang Justice League na kompleto at alam ang pangangailanagan ng lahat ng gumagamit nito.para na ring si Gadget Man, na halos lahat ng naisin mo nasa kanya na. Ayos di ba? Sa dinami-dami ng kahulugan ito pa ng naisip ko, tama naman di ba? kasi nga ang cellphone ay kabilang na sa kultura nating mga Filipino, kung wala ka nito, wala ka ding silbi at hindi ka nabibilang sa mundo ng mga nagliliparang mensahe sa hangin.

Ngunit kung mundo talaga ay napupuno ng mga taong gumagamit ng cellphone, matatakpan kaya ng mga nagliliparang, nagsasabit-sabit sa mensahe ang ozone layer nating nabubutas na? kung gayon maituturing ko nga itong superherong tagapagligtas ng mga nalalayo sa mga mahal nila sa buhay. Sa kasamaan palad, nakakain nga lang tayo nito. Tayo na ang kinakain, sapagkat nagpapakain na tayo. Hinahayan nating tayo ay mabuhay sa mundo nila, hindi sa mundo natin.

G: (bungtong-hininga) tagal mo naman. B: sorry talaga ha. Ready ka na ba? G: oo naman kanina pa. B: sige na, tayo na.

Tamo mas nagkakaintindihan ang lahat ng tao kung tayo’y harapan na kung mag-uusap.

Sino si Mang Jose?

-wala na siya, tuluyang sumama kay Mang Kiko Man patungo sa mundo ng Ampalaya.[080909]

[072409]:noon

sa aking pag-iisa naalala ko, ako'y nakadungaw sa kawalan, bumalik ang araw, ang araw na mga nagdaan.

BINTANA

kitang-kita ko ang
kanilang masayang
mga ngiti habang
sila ay magkasama.

nakita ko din sa kanilang
mga mata ang mga
iba-ibang mensaheng
pinapaalm sa isa't- isa...

nakita ko ang lahat ng ito.
[071009]

[072309]:p.m

I
unti-unti nang naglalaho
ang mga alaala ng
mga maulan at malamig
na gabi
isa-isang nabubura
malapit na,
Ctrl+A, delete!

II
nasimoy na naman ang
hanging dating alam kong naramdaman ko na
ang kaibahan nga lang
wala na akong kasama,
sa muling pagdama nito.

Delete (Part II)

Gumagana na naman ang imahinasyon ni Bee El marahil ambisosya siyang talaga. At patuloy pa din siyang naghihintay sa wala.

Situation03:
Ang lakas ng ulan, nagtatalo ang init at lamig sa kalangitan, gumuguhit ang mga liwanag…
Umuwi si Bee El ng walang payong. Ang dami nyang dala, basang-basa na siya. Nang may bumangga sa kanya, nawala sa hawak niya ang mga gamit niya. Basa na ang mga ito. Pati siya. Kahit ganoon pa man, dinampot pa rin niya ang mga gamit nya nang biglang tumigil ang pagpatak ng pag-ulan sa kanya. May nagpayong na pala sa kanya si Jey C ang kanyang li’l bro…

Jey C: wala ka na naman payong Ate!
Basang-basa kana ah’
Bee El: ok lang yon! mabuti nga ito at walang makakapansin sa aking pagluha, nakikisabay lang ang ulan sa akin. Iniiyak niya na ako. Tight kami nun e’
Jey C: ok ka lang?
Bee El: oo naman ako pa…


Sabay tumakbo na siya palayo upang maiwasan ang mahabang usapan. Nais niya nang mapag-isa. Nais niya nang mawala.



*hindi ko na alam ang sumunod, tumigil na ang utak ko sa pag-iisip sa mga kabanata ng imahinasyon ni Bee El, marahil overloaded na ang utak ko at kailangan ng mag-delete.

-DELETE-
[072309]

Minsan na nga lang..

situation 01
:ate magkita tayo ngayon, punta ako jan,
:ok sure.. bakit ba?
:may sasabihin ako sayo..
:ah ok.
(sa isip ko alm ko na ang mangyayare alam ko na din ang mga sasabihin ko.. planado na ang lahat..)
:ate kami na ni Key Zi
:e? wow! (xanga! xanga!)
:good! now official li'l sis ko na siya..
-end-
minsan naisip ko..
naghihintay lang pala ako sa araw ko..
hinihintay ko lang na sabihin niya ang mga salitang yoon..
na pawang alam ko na talaga noong una pa man.
minsan sana..
sinabi niya na nung una pa..
para nung una pa, alm ko na..
na hindi na dumating ang araw na
aasa pa ako
subalit,
datapawat..
wala pala,
wala pala..
minsan nagyon lang ako nagkaganito sa buhay ko..
minsan, lang ang utak ko ang magsalita
tungkol sa bagay na ganito..

minsan na nga lang mali pa..

situation 02
:li'l bro, kita tayo ngayon
may sasabihin ako
:sure ate, ano ba yon?
:...
:dito na ako.
:Jey Si, sa mag araw na nagkikita tayo
sa gabi-gabi na magkajammimg tayo..
sana sa mga oras na yon hindi kita
natutuhang mahalin higit sa bilang kapatid..
-end-

minsan na nga lang e'
minsan na nga lang..
ganon pala yon..
minsan talaga mas mabuti
na din mag-depend sa puso..
wala naman pala talagang
alam ang utak sa ganitong bagay..

minsan try ko ulit
kung kelan man yon
walang nakakaalam..

*ang mga bagay na to' iniisip ko lang, at patuloy na hihintay kung kelan mangyayari - aasa at aasa na mangyari ang bagay na to' sa darating na mga araw.*

Panawagan kay Mang Jose


Aking kapatid,

Bakit ganon’ hindi naman kita mahal, ung mahla na special, mahal kita kasi kapatid kita. Wala nga ako crush sayo, hindi din kita gusto, masaya lang talaga ako kapag kasama ka kasi masaya kang kasama hindi ako kinikilig. pawing pangkapatid lang ang aking nararamdaman sayo… sana maunawaan mo, ngunit kung ikaw ay mawawala na e di ok kaso parang hindi din kaya ni Ate na mawalan siya ng happiness sa loob ng mundo na wala naman talagang dapat ika-saya.

-nagmamahal,

Ate


[070709]

Weirdo


Mysterious little girl

It’s funny it is eerie

Spooky wasn’t it?


Uncanny little girl

You’re so unnatural

‘Cause you’re ghostly


Puzzling little

You’re arcane


Fall (submit)


Yield me not!

‘cause I’ll surrender.


I succumb into you;

I’ll resign…


You’ve capitulate me

And I fall…


[070809]

Hindi ako ma-LSS (part I)


BIZARRE LOVE TRIANGLE

Kahit n paulit-ulit ko na syang

Pakinggan, mula pagtulog hanggang

Paggising hindi ko pa din siya

Siya mamemorya… ni hindi ko nga ito

Makanta ng buo


Kapatid kong maliit na malaki…

Kahit lagi kitang nakakasama

Hindi ko magawang mahalin ka

Nilang iba… na hindi kita kapatid


Marahil siguro hindi ko naman

Isinasapuso ang mga bagay na ito.

At wala naman talaga laman ang puso ko.

[071309]

ANTI-quite contrary (partII)


Hindi pala huh?

Umiyak nga ako

Marahil gusto na nga

Kita..

ngunit ngayon wala na.


[071409]

Lovable


You’re the price in

My winning cheer.


Cause you’re so winsome

In so many ways


How lovely we’re

Close friends…


And yet ironic ‘cause

It's natural of you.

[071509]

Gone


You moved away

Withdrawn your love


I was retired with this,

That’s why departed from you…


You dissolved my thoughts away,

And I decayed with it.


Now you’re gone

And I’ll be extinct.