Wednesday, October 21, 2009

HEADLINES: ang bgong SUPERHERO ng byan CELLPHONE

G: Wer n u? d2 n me?! Akla q b mgk2ta tau ngaun d2 s hrap ng g8. Antgal mu nMn. Blisn mu na, aq’y naiinip na d2 e’ ahrrr… B: w8 lng kg2cng q lng e’ xori nMn. :) G: aba’ blisn mu n huh?! B: opo’ ingat ikw.. G: ikw din.. ü. Kung nbsa mu ung dyalogo n nbnggit, e marhil nka2intindi k ng tekz, at mlamng ngmmyari k ng CP. Kulng2 man ang mga letra ng mga itinatype q at wla din s dksyunryong tgalog ang mga pnagiimik q, naiintndhn p rn ito ng nkkrmi. Khit ang isang magna, o suma man yan, bsta ikw ay ta0 maiintndhn mu i2ng cnsbe q. normal lng i2, normal lng sa lht ng ta0. Khit presidente kpa ng anu mang bansa, maiintndhn parin ito, spgkat ito n ang pumlit sa universal language ng pilipinas. Gets mu?!

Taong 2004 buwan Hunyo una akong nagkaroon ng isang cellphone, mula sa aking mga magulang, ito’y isang regalo na kailangan ingatan. Noon lang ako nagka-cellphone, sabi nila kailangan ko daw yon para makasabay sa mundong kakagalawan ko na, mundo ng mga kabataan na nahuhumaling sa cellphone. Noon pa man, may ibig sabihin na ito sa akin, isang simbolo ng karangyaan sa buhay. Kapag mayroon ka nito, ka-belong ka sa mundo nila. Isa pang kahulugan sa akin, ito’y isang tawiran ng mensahe ng aking magulang patungo sa akin. Yon! Yun na yun! Nagdudugtong sa malayong relasyon ko sa aking magulang. Noong una akong nakatanggap nito, hindi ko pa alam kung ano ang silbi nito sa buhay ko, at nagbago lamang ito ng makilala ko si load. Tapos lalong nag-init ang samahan naming nong makilala namin si unlimited, ang kaibigan naming dat’y promo lang ng mga istasyon ng cellphone ngayon ay isang regular na sa barkada. Nagulat lang ako at binigyan nila ako ng isang cellphone sa kaarawan ko, kahit hindi ko naman talaga ito hiniling sa kanila, sapagkat alam ko ang limitasyon ko, at marahil talaga wala sa mga isip kong mag-cellphone.

Ano nga ba nga halaga ng cellphone sa buhay iba? Marahil ito’y isang bagay na kukumpleto sa kanilang pang araw-araw na buhay, ngunit para saan? Ito ba ay parang hangin na ikamamatay kapag hindi nakapindot sa mga keypad nito? O siguro ay isang taong kukumpleto sa mundo nila. Marahil sa mga panahon ngayon ang cellphone ay essential na bagay na kailangan talaga, mapa-trabaho man yan o pang-meet lang sa ibang tao, nagsisilbi pa rin itong tawiran ng mga mensahe. Ito ang nagbibigay ng daan sa mga taong hindi nagkakaintindihan. Sa mga oras na ito ako’y nakikipag-usap sa mga kaibigan ko gamit ang YM, para ding cellphone ngunit mas mabilis ang reply. Dahil wala na din naman akong maisulat, nagtanung ako sa kanila. Halos karamihan sa kanila ang sagot ay para sa komunikasyon, yong iba para sa soundtrip. Yong iba konneksyon daw sa mga kaibigan, iba tinatamad na daw gumamit ng cellphone ang halaga nalang nito sa kanila ay pantawag. Kung susumahin para sa emergency talaga ito, may sumagot din na dahil sa uso lng ito, kaya gumagamit sila nito.

Para sa akin ng cellphone ay isang superhero na laging nandyan in case of emergency. Di ba nga break glass in case of emergency, dito break the alkansya in case na walang pang-load. Parang isang Spiderman na laging nakabitin sa leeg ng mga tao. Isang Batman, umiilaw sa gabi kapag may natawag o nagtetext. Isang Superman na made of steel. Para na nga namang Justice League na kompleto at alam ang pangangailanagan ng lahat ng gumagamit nito.para na ring si Gadget Man, na halos lahat ng naisin mo nasa kanya na. Ayos di ba? Sa dinami-dami ng kahulugan ito pa ng naisip ko, tama naman di ba? kasi nga ang cellphone ay kabilang na sa kultura nating mga Filipino, kung wala ka nito, wala ka ding silbi at hindi ka nabibilang sa mundo ng mga nagliliparang mensahe sa hangin.

Ngunit kung mundo talaga ay napupuno ng mga taong gumagamit ng cellphone, matatakpan kaya ng mga nagliliparang, nagsasabit-sabit sa mensahe ang ozone layer nating nabubutas na? kung gayon maituturing ko nga itong superherong tagapagligtas ng mga nalalayo sa mga mahal nila sa buhay. Sa kasamaan palad, nakakain nga lang tayo nito. Tayo na ang kinakain, sapagkat nagpapakain na tayo. Hinahayan nating tayo ay mabuhay sa mundo nila, hindi sa mundo natin.

G: (bungtong-hininga) tagal mo naman. B: sorry talaga ha. Ready ka na ba? G: oo naman kanina pa. B: sige na, tayo na.

Tamo mas nagkakaintindihan ang lahat ng tao kung tayo’y harapan na kung mag-uusap.

No comments:

Post a Comment