Thursday, October 29, 2009

Mag-kwento Ka

Taong 2008
Unang araw ng pasukan sa pangsekondaryang paaralan sa isang bayan sa Quezon. Si Bab ay kabilang sa mga magsisipagtapos sa taong susunod. Halos karamihan sa mga kabataan ngayon ay nalululong sa bawal na pag-ibig. Tama ka ang isinusulat ko ngayon ay patungkol sa buhay pag-ibig ni Bab. Isang ordinaryong estudyante na umiibig sa kapwa estudyante, si Iya, ang umiibig ng palihim sa kaibigan niyang si Bab. Si LA ang ka-tropa ni Bab na may lihim ding pagtingin. Sa una palang minamahal na talaga ni Bab si Iya, sila na nga talaga dapat, subalit dumadating ang mga panahon na kailangan iwanan ang isa't isa at mag-bigay ng daan sa mga maliliit na tao. Sa mga taong wala naman talagang papel sa buhay nito. Sa mga taong walang gagampanan na papel sa buhay mo. Kay saya nang mga araw na magkasama sila ni Iya, natigil ang mga oras, sa kanila ang mundo walang ibang tao, wala nang ibang mamahalin pa. Isang araw magkasama ang tropa ni LA at ni Bab. Nakita ni LA si Iya, na may kasamang iba. "Bab, si Iya o', may kasamang iba." sabi ni LA. "ah' kilala ko na yan e' kaibigan niya lang naman niya yon e' kaw talaga." sagot naman ni Bab. "weh sure ka?" dagdag ni LA. Tumango lang si Bab. Dahil sila ay pawang mga estudyante pa lamang naman ay natutuon din naman ang isip nila sa mga bagay na may katungkulan sa kanilang akademya. Ngunit si Bab ay hindi, siya ay ...



Ang kwentong ito ay hindi ko na matatapos pa. Nalimutan ko na ang mga dapat kong sasabihin sa likhaing ito. Marahil dapat itigil ko na din naman ang mga sumusunod na pangyayari dahil wala naman itong kinalaman sa buhay ko. Ang mga tauhan sa kwento ay pawang mga kaibigan ko lang sa Silangan, dahil si Bab ang aking minamahal, at ito ay kwento lang ng nakaraan, hindi na marahil ito mahalaga.


Sumasalungat sa sinabi kong hindi na gaano kahalaga ang nakaraan, bakit? paano masasabing hindi mahalaga ang nakaraan kung sa nakaraan nakasalalay ang iyong kasalalukuyan at kinabuksan? na sa bawat pagbabago na magaganap sa nakaraan ay kay laking pagbabago ang magaganap sa kasalukuyan. Subalit paano mo pa nga ba mababago ang nakaraan kung ito ay nakalipas na at mananatili na lamang na isang aral na mag-gagabay sa iyo patungo sa tinatahak mo ngayong daan. hindi na, 'di ba?


Ang mga kwento kung pag-aaralan mong mabuti ay  may iba pang sinasabi higit pa sa ibig nitong ipahiwatig. Na sa bawat linya na nasasambit ng tauhan ay may mga nakatagong lihim na magbubukas ng  iyong isipan sa bagong kabanata ng iyong buhay.


Makapangyarihan ang isang kwento, maari itong bumuhay at maari din itong pumatay. Bumuhay sa mga karakter na pumapaloob sa isang istorya, bumuhay ng isang sitwasyon na iyong napagdaan na at maaari mo pang pagdaanan. Bumuhay ng isip ng tao at  palawakin ito. Maari din itong bumuhay ng alaala, alaalang nais mo ng makalimutan. Bumuhay. At pumatay, pumatay sa paniniwala mo sa isang bagay, pumatay ng ideyang iyong kinalakihan, at maari ring talagang makapatay. Makapatay ng isang taong nasa iyong kwento, at ito ang tinatawag tsismis. Pwede ding bumuhay ng kasinungalinagn na pawang walang katotohanan at pumatay ng isyung matagal ng pinaguusapan. Kwento. Ikaw, ano na ang naikwento mo, nakabuhay ka na ba, o marahil nakapatay ka na.


Sana nakapagkwento ka na, buhayin mo ang isipan mong patuloy na lumalawak kasabay ng mga nakapaligid sayo, at huwag mong patayin ang isip mo sa isang bagay na maari pang magbago. Mag-kwento ka ng ang buhay mo ay patuloy na mabuhay sa mundong akala mong makasarili.

No comments:

Post a Comment