Saturday, December 31, 2011

Mag-kwento Ka : Mabuhay ang Kasinungalingan!

Para saan ang pagtanggi o pag-ako
kung sa simula pa lang
ika'y nahusgahan na?

anong kalokohan yan mga 'tsong?



"Karma ka tuloy", sabi ni Bab.

Hindi ko akalaing masusundan ang huli kong isinulat malay ko bang ang lahat ng naisulat ko ay lalabas sa kasalukuyang kalagayan ng buhay ko ngayon. Na sa bawat kwento mong maririnig may mabubuhay at bubunga ito ng isipin sa iyong utak.

Sinungaling ako. Bulaan atbp.

Mayroong magkatipan parehong kabataan
wagas ang pagmamahalan
labis ang pag-iibigan
sobra sa pagtitinginan

ang panaginip ng ina
kanilang ipinagbahala
yon pala meron na
hindi lang nila alam kung totoo nga

nagbunga at lumaki ba
ang lahat ay napraning na
nagalit ang itay ng malaman niya
sino ang batang ama wika niya

itinago ang lahat
pati boses na malat
ang luha'y bumaha
hindi alam kung paano magpapakumbaba

natapos na nag buwan
lumabas na sa taguan
nagpatuloy ang buhay
ang lahat ay walang malay

sino ang kaawa - awa
ang batang ina ba
sino bang may gawa
sa batang lalaki pa

BULAANISMO!


Sa kwento mo ano ang napala mo? Marahil nakabuhay ka. Lumalawak ang perspektibo mo sa kasarinlan ng mundo. Ipagpatuloy mo lang ang pag-katha ng kwento ng ang minsan mong ideya ay mabuhay at makapatay ka.

Ikaw siguro ay nagtataka at naaapektuhan na. Isa kang mangmnag at walang pakialam - kahit ito na ang pina ka-karumaldumal na krimen.

Kinakain ka ng lipunan tigilan mo ang iyong kalokohan. Ang lahat ng ito'y iyong malalaman kapag iyo ng pinagdadaaan.


May pakpak ang balita,
may tenga ang lupa,
matalas ang dila
patay kang bata ka.


12-26-11

No comments:

Post a Comment